Sunday, November 11, 2007
classic filipino movies...
i received a text from a friend today and i want to share this to all of you...nakakatawa kasi super true! actually, pagdating sa filipino movies nagiging topic namin yan ng mga friends ko...you can add kung ano pa ang kulang sa list...laughtrip ito mga tsong! haha!
here's the text...
10 katangian na makikita lamang sa pelikulang PILIPINO:
here's the text...
10 katangian na makikita lamang sa pelikulang PILIPINO:
- naka-leather jacket ang kontrabida kahit mainit.
- maraming habilin habang naghihingalo.
- may amnesia ang bida.
- sinasabi ng bida ang title ng pelikula.
- huling dumating ang pulis.
- nagduduwal pag buntis.
- kakausapin muna bago dalhin sa ospital.
- nag-uusap muna ang bida at kontrabida bago magbarilan.
- kinakausap ng artista ang sarili.
- pansit lagi ang pasalubong sa pamilya.
additional...
* yung bida, pag mahirap or pangit sya..bago sya gumanti kailangan muna nyang yumaman or gumanda/gumwapo...yung tipong, babangon ako at dudurugin kita mode. - from me
* yung dance numbers sa end ng movie - from kwagz and her sister
* pag nagsusuntukan ang bida at kontrabida, di nagugulo ang hair nila. - from ate jing (ate ano nga yung isa mo, i forgot eh..hehe!)
kayo guys, ano ang mga napansin nyo? hehe! =p
posted by chase at 10:39 PM, |
7 rant/s or rave/s
