Sunday, November 11, 2007

classic filipino movies...

i received a text from a friend today and i want to share this to all of you...nakakatawa kasi super true! actually, pagdating sa filipino movies nagiging topic namin yan ng mga friends ko...you can add kung ano pa ang kulang sa list...laughtrip ito mga tsong! haha!

here's the text...

10 katangian na makikita lamang sa pelikulang PILIPINO:
  1. naka-leather jacket ang kontrabida kahit mainit.
  2. maraming habilin habang naghihingalo.
  3. may amnesia ang bida.
  4. sinasabi ng bida ang title ng pelikula.
  5. huling dumating ang pulis.
  6. nagduduwal pag buntis.
  7. kakausapin muna bago dalhin sa ospital.
  8. nag-uusap muna ang bida at kontrabida bago magbarilan.
  9. kinakausap ng artista ang sarili.
  10. pansit lagi ang pasalubong sa pamilya.

additional...

* yung bida, pag mahirap or pangit sya..bago sya gumanti kailangan muna nyang yumaman or gumanda/gumwapo...yung tipong, babangon ako at dudurugin kita mode. - from me

* yung dance numbers sa end ng movie - from kwagz and her sister

* pag nagsusuntukan ang bida at kontrabida, di nagugulo ang hair nila. - from ate jing (ate ano nga yung isa mo, i forgot eh..hehe!)

kayo guys, ano ang mga napansin nyo? hehe! =p

 
posted by chase at 10:39 PM, |

7 Comments:

hahaha! musta naman at ginawa mo talagang entry yan! LOL

yung isa kong sinasabi.. palaging kinikidnap yung leading lady tas ise-save sya ng leading man nya (syempre)!! haha!!
hahaha! kasi naman true yang text mo sa akin eh..super natawa ako dyan kaya nga i forwarded it sa lahat ng naka-globe *unlitxt mode* hahaha!

yan nga yung sabi mo...hahaha! aliw! tara isip pa tayo ng iba. hehe! =p
ako din tawa ng tawa dyan sa text na yan! yung mom ko naman, panay ang hampas sa kin bawat number na mabasa nya! hahaha! tuwang-tuwa talaga sya.. totoong-totoo raw! LOL
hahaha! aliw naman ang mom mo..sana nilakasan nya yung hampas sayo..haha! =p

ate jing, dyan sa list na yan, alin yung pinaka natawa ka...ako yung LAGI ang PANSIT ang pasalubong sa pamilya..hahaha! classic yan! umi-FPJ ang dating..sama mo na si LITO LAPID..haha! infairness ha, improving na ang filipino movies now..PUTO or CAKE na! haha! sosyal! =p
sira ka talaga! haha! pro sumakit yung braso ko nun kakahampas nya! suuubrang tuwa kse! LOL

natawa ako dun sa kakausapin muna bago dalhin sa ospital & yung maraming habilin habang naghihingalo! haha! pro lahat talaga comedy!
  At November 13, 2007 at 11:37 PM Anonymous Anonymous said:
eto ang sa akin:
1. sharp shooter ang bida.lahat ng barilin nia patay.samantalang ang kalaban parang tabingi ang baril at hindi matamaan ang bida kahit ang lapit lapit na.

2.ang mga baril sa pelikula ay basta basta na lang tinatapon pag wala ng bala tska pupulot ng ibang baril

3. ang leading lady pag may action scene ang galing kumarate at patumbahin ang goons,pero pag kasama ang bida di makabasag pinggan sa hinhin.
wahaha! galing talaga ni khalelski pagdating sa mga ganyan oh! haha!

isa pa yung pag may sumasabog na kotse.. palaging luma! di man lang yung mukhang bagu-bago! LOL